Higit 2,000 pulis ipakakalat sa Quezon City para sa Holy Week

By Rhommel Balasbas April 12, 2019 - 04:22 AM

Ipakakalat ang 2,229 pulis sa buong Quezon City upang tiyakin ang seguridad sa paggunita ng Semana Santa at magbabakasyon sa susunod na linggo.

Sa isang pahayag sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief Police Brig. Gen. Joselito Esquivel na ngayong linggo pa lamang ay naka-heightened alert na ang kanilang buong pwersa.

Ani Esquivel, sa kasagsagan ng Semana Santa ay itataas ang full alert status at ang mga pulis ay ipakakalat sa mga lugar na dadagsain ng mga tao lalo na ang mga terminal, simbahan at mga mall.

“As early as this week, we are on heightened alert and eventually in full alert status during Holy Week. Uniformed and plain clothes policemen will be deployed to strategic areas especially in places where many people converge such as bus and train terminals, churches and malls,” ani Esquivel.

Samantala, bukod sa higit 2,000 pulis ay 3,213 pang karagdagang personnel tulad ng mga baranggay tanod, security guard at mga miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tutulong sa QCPD sa kasagsagan ng Semana Santa.

Tiniyak ni Esquivel na handa ang QCPD na rumesponde sa pangangailangan ng publiko.

Hiningi naman ng police official ang kooperasyon ng publiko para maging mapayapa ang paggunita sa Semana Santa at maging masaya ang summer vacation.

TAGS: Holy Week 2019, Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, Quezon City Police District (QCPD), Holy Week 2019, Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, Quezon City Police District (QCPD)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.