PNoy namangha sa high tech na sipilyong gawa sa Pinas

By Kathleen Betina Aenlle December 05, 2015 - 04:54 AM

Aquino-Rome-1024x612Natuwa si Pangulong Aquino nang malaman niyang sa Pilipinas ginagawa ang napaka-high tech na toothbrush sa France.

Ang nasabing sipilyo kasi na dinisenyo at ine-export sa France ay may kaakibat na application sa smartphone na magsasabi kung tama ba ang paraan mo ng pagsisipilyo.

Sa pagharap ng Pangulo sa nasa 500 Pilipino sa Rome, sinabi niyang napaisip tuloy siya kung tama nga ba ang ginagawa niyang pagsisipilyo araw-araw, kaya’t nasasabik siyang makabalik na sa Pilipinas para ipahanap ang manufacturer nito.

Napabilib aniya siya dahil nakayang pagkasyahin ang napakalaking teknolohiya sa maliit na bagay tulad ng sipilyo, at na sa Pilipinas pa ito ginagawa.

Aniya, sa sobrang high tech nito, maging siya o sinuman sa kaniyang gabinete ay hindi pa nakakakita o nakakagamit ng ganito.

Ipinapakita lamang aniya nito ang malaking pag-unlad ng mga industriya sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Hindi naman na niya pinangalanan ang kumpanyang gumagawa nito pero sabi niya, napag-alaman niya ang tungkol dito habang siya ay nasa climate change summit.

Samantala, habang ibinibida ng Pangulo ang pag-yabong ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kaniyang administrasyon, may ilan sa kaniyang mga tagapakinig naman ang nadismaya nang wala man lamang siyang nabanggit ng anumang tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga polisiya ng pamahalaan para sa kanila.

TAGS: high tech toothbrush in France made in Philippines, PNoy visits Rome, high tech toothbrush in France made in Philippines, PNoy visits Rome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.