Pangulong Duterte maraming sisibaking opisyal bago lumipad pa-China

By Rhommel Balasbas April 12, 2019 - 02:27 AM

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pa siyang sisibaking opisyal ng gobyerno dahil sa isyu ng korapsyon.

Sa talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi ng presidente na gagawin niya ang pagsibak sa mga opisyal bago siya pumunta ng China ngayong buwan.

“Ngayon ‘pag ikaw nasa corruption, alis ka. At sunod…next week when I fly back to report to work before I leave for China, marami akong tatanggalin,” ani Duterte.

Nakatakdang pumunta ng Beijing ang presidente mula April 26 hanggang 27 upang dumalo sa Belt and Road Forum for International Cooperation.

Makailang beses nang sinabi ni Duterte na may tatanggalin siyang mga opisyal dahil sa isyu ng korapsyon ngunit tikom naman ang bibig ng Malacañang kung sino ang mga ito.

Isa sa mga campaign promise ng presidente noong May 2016 ay ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno.

Ang pinakahuling opisyal na naalis sa gobyerno ay si dating Philippine Charity Sweepstake Office general (PCSO) manager Alexander Balutan na unang sinabi ng Malacañang na tinanggal sa pwesto ngunit kalauna’y nilinaw na nagbitiw ito.

TAGS: Belt and Road Forum for International Cooperation, corruption, Duterte to fire more officials, Belt and Road Forum for International Cooperation, corruption, Duterte to fire more officials

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.