Sa isang pulong balitaan sa Quezon City araw ng Huwebes, sinabi ni DOE Usec. Felix William Fuentebella na pagpapaliwanagin ang limang planta dahil sa kanilang forced outages.
Ang limang planta ay ang:
• Sual Unit 1
• Southwest Luzon Power Generation Corp. (SLPGC) Unit 2
• South Luzon Thremal Energy Corp. (SLTEC) Unit 1
• Malaya Unit 1
• Pagbilao Unit 3
Umabot sa 1,352 megawatts ang nawalang kuryente sa Luzon bunsod ng pagpalya ng limang planta.
Pagpapaliwanagin din ang Calaca Unit 2 dahil hindi ito nag-o-operate sa full capacity na 200 megawatts at 100 megawatts lamang ang inilalabas.
Ang pagsasailalim sa red alert sa Luzon grid araw ng Miyerkules ay nagresulta sa isa hanggang dalawang oras na rotational brownouts.