DOE: Walang krisis sa kuryente

By Rhommel Balasbas April 12, 2019 - 03:30 AM

Sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas ng yellow alert at red alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente, pinabulaanan ng Department of Energy (DOE) na may nararanasang krisis.

Ayon kay Energy Usec. Wimpy Funtebella, nakikita naman ng kagawaran ang mga solusyon at timeline sa pagpapatupad nito.

Magiging tapat anya ang kagawaran kung may problema talaga sa kuryente.

Iginiit ng kagawaran na ang pagtataas ng alert status ay bunsod ng mataas na demand ngayon sa kuryente dahil sa matinding init ng panahon at forced outages ng mga planta.

“Nakikita naman natin ‘yung solutions and nakikita natin ‘yung timelines. We will be honest with you kung may problema talaga,” ani Fuentebella.

Samantala, sinabi ng opisyal na magtatas pa rin ng alert ngayong araw ngunit sasapat naman ang suplay ng kuryente.

Ayon pa Kay Fuentebella, maging sa susunod na linggo kung saan marami ang magbabakasyon ay inaasahang sasapat ang kuryente dahil inaasahang bababa ang demand.

Tiniyak naman ng DOE na hindi magiging problema sa darating na halalan ang power interruption.

TAGS: Department of Energy, energy crisis, Energy Usec. Wimpy Funtebella, red alert, Department of Energy, energy crisis, Energy Usec. Wimpy Funtebella, red alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.