Duterte, nangakong tatapusin ang problema sa droga

Inquirer file photo

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na sosolusyunan niya ang problema sa droga sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bacolod City, inihayag ng Punong Ehekutibo na mayroon pa siyang tatlong taon para ubusin ang mga droga sa bansa.

Ayon sa pangulo, ang droga ang isa sa mga pangunahing nagdudulot ng kriminalidad sa bansa.

“Kaya itong droga which is contributing a lot of criminality in this country, may three years pa ako. Mauubos ko pa kayo sa awa ng Diyos,” pahayag ni Duterte.

Sa pagsisimula pa lamang bilang pangulo, matatandaang ipinangako na ni Duterte ang pagtapos ng mga ilegal na transaksyon ng droga sa bansa.

Marami namang international organizations at human rights groups ang kinokondena ang war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Read more...