Ilang lugar sa Metro Manila mawawalan ng tubig sa Holy Week

By Clarize Austria April 11, 2019 - 04:08 PM

Inquirer file photo

Naglabas ng abiso ang pamunuan ng Maynilad Water Services Inc. na magkakaroon ng water service interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite sa paparating na Semana Santa.

Ang gagawing maintenance works ay magaganap mula April 16, Martes Santo, hanggang April 20, Sabado de Gloria.

Bahagi ng maintenance work ang pipe decommissioning, pipe interconnections, pagpapalit ng valves, at iba pang pagkukumpuni.

Ang mga lugar na apekto ng kawalan ng supply ng tubig ay Manila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Parañaque, Las Piñas, at Bacoor, Cavite kung saan naka-schedule ang pagkaantala ng serbisyo.

Nagpaalala rin ang Maynilad sa mga residente na kung maaari ay mag-ipon na ng tubig tatlong araw bago ang nasabing interruption upang maiwasan ang sabay-sabay na pag-iipon na nagdudulot ng heavy withdrawals mula sa kanilang mga pasilidad.

Maari umano itong magdulot ng mahinang pressure sa ibang lugar na magreresulta sa pagkawala ng tubig ng mas maaga kaysa sa nakatakdang oras.

Dagdag pa ng Maynilad, hindi umano kailangang mangamba ng mga mamamayan dahil mayroong nakareserbang 40 water tankers na makakapagbigay ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

TAGS: BUsiness, Holy Week, interruptions, maynilad, water reserves, water services, BUsiness, Holy Week, interruptions, maynilad, water reserves, water services

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.