Budget signing sa Lunes posibleng hindi matuloy ayon sa Malacañang

Malacañang photo

Aminado ang palasyo ng Malacañang na maaring hindi matuloy sa Lunes, April 15 ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.

Taliwas ito sa naunang abiso ng palasyo kahapon na sa Lunes na gagawin ang ceremonial signing ng pambansang budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaring lagdaan ng pangulo ang budget pagkatapos ng Semana Santa.

Ipinaliwanag ng kalihim na mabusisi kasi ang ginagawang pag-aaral ng pangulo sa pambansang budget.

Dahil hindi pa nalalagdaan ng pangulo ang budget, patuloy na mag ooperate ang gobyerno sa ilalim ng reenacted budget.

Dagdag ni Panelo, sa bahay lamang ng mga Duterte sa Davao City magpapalipas ng Holy Week ang pangulo.

Read more...