Bumwelta si ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa mga patutsada ni Pangulong Benigno Aquino III sa kaniya.
Sa talumpati kasi ng Pangulo sa pagbisita niya sa Rome, pinasaringan nito ang lahat ng mga katunggali ng administration presidential bet Mar Roxas, kabilang na nga si Binay.
Sa pahayag na inilabas ni Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay, maaari itong isang pahiwatig o senyales na ipagpapatuloy na ng Pangulo ang demolition work nito laban sa Bise Presidente.
Aniya, huwag sanang kalimutan ni Aquino na nananatili pa ring alegasyon ang mga ibinabato kay Binay dahil hindi pa rin siya napapatunayang guilty.
Bilang pag-bawi ay pinatutsadahan naman ni Quicho si Roxas na aniya’y bigong magawa ang kaniyang gampanin bilang Transportation Secretary at Interior Secretary na resolbahan ang malalang trapik at dami ng namamayagpag na krimen sa bansa.
Sinisi rin nya si Roxas kung bakit hindi pa rin naaayos ang operasyon ng MRT-3.
Banat niya pa kay Pangulo, kung tapat niyang pinuna ang mga kandidato, dapat kasama rin niyang pinuna ang mismong pambato niya dahil sa limang taong serbisyo ni Roxas sa gabinete, pinalala lamang ng kaniyang incompetence ang mga kasalukuyang nang problema.