Mababang poverty threshold ng gobyerno gagamitin upang hindi itaas ang sagod at pensyon

Inquirer File Photo
Gagamitin lamang argumento ng pamahalaan ang mababang poverty threshold upang hindi itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Ito rin ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay magiging dahilan upanh sabihin ng gobyerno na hindi dapat dagdagan ang pension ng mga retiradong obrero.

Sinabi ni Zarate na nais lamang nitong palabasin na hindi mahihirap ang mga minimum wage earner at ang mga tumatanggap ng kakarampot na pension kaya hindi dapat gawing prayoridad ang umento sa mga ito.

Sinabi rin nito na kailangan ng mas realistic na poverty threshold upang mabigyan ng tulong sa pamamagitan ng mga anti poverty projects at programs ang mga mahihirap na hindi kumikita ng sapat para tugunan ang kanilang pangangailangan.

Iginiit nito na ang makatotohanang poverty threshold ay nararapat para makagawa ng maayos na hakbang ang pamahalaan upang matulungan ang mga naghihikahos na pamilyang Filipino.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority kailangan lamang ng isang pamilya na may limang miyembro ng P10,481 kada buwan upang maituring na hindi mahirap.

Read more...