Mataas ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte welcome sa Malakanyang
Malugod na tinanggap ng Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations na nagpapakitang 79 percent sa mga Filipino ang kuntento sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay ito na hindi tumatalab ang mga paninira sa pangulo.
Sa naturang survey, tumaas ng anim na puntos ang net satisfaction rating ng pangulo na nasa positive 66 sa buwan ng Marso kumpara sa positive 60 noong December 2018.
Ayon ay Panelo, habang sinisiraan ang pangulo, lalo lamang tumataas ang kanyang rating.
Nakikita kasi aniya ng taong bayan ang ginagawa ng pangulo at ang serbisyo na matapang, masipa, walang sinisino at nakafocus na protektahan ang bawat Filipino at ang bayan.
Sinabi pa ni Panelo na kinakain na ng mga kritiko ang sarili nilang kabaliwant at pagka-arogante.
Patuloy aniyang nagbibingi-bingihan at nagbubulag bulagan ang mga kritiko sa mga pagbabagong nagawa ng aniya’y “unorthodox, maverick and daredevil leader” na matapang na pinoprotektahan ang interes ng sambayanang Pilipino.
Payo ni Panelo sa mga kritiko, sa halip na ipagpatuloy ng mga kritiko ang “hate campaign,” may mabuting suportahan na lamang ang mga plano ng administrasyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.