Magpapakalat ang MMDA ng 1,600 traffic personnel sa Holy Week..
Ayon kay Roy Taguinod, director ng MMDA Traffic Discipline Office, simula Martes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay ang pagtatrabaho ng naturang bilang ng mga naturang traffic personnel sa mga pangunahing lansangan, transport terminals at ilang piling lugar sa Kalakhang Maynila.
Aniya layon ng kanilang Oplan Metro Alalay Semana Santa na maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa paggunita ng Semana Santa.
Sinabi pa ni Taguinod, ipapatupad nila ang no day off at no absent policy sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo gayundin sa Linggo ng Pagkabuhay at sa susunod na araw.
Dagdag pa nito magsasagawa din sila ng random o on the spot breathalyzer test sa mga bus drivers para matiyak na hindi sila nakainom ng alak sa kanilang pagbiyahe.
Ngayon linggo ay magpapatuloy ang sidewalk clearing operations sa paligid ng mga pangunahing Simbahan para maging maayos ang pagsasagawa ng mga Visita Iglesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.