Tricycle driver, 2 anak patay sa aksidente sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 11:53 AM

Inquirer file photo

Patay ang isang tricycle driver at kaniyang dalawang anak sa aksidente na naganap sa bayan ng Atimonan sa Quezon province, Miyerkules (Apr. 10) ng gabi.

Sa ulat ng Quezon Police provincial office, minamaneho ni Vicente Balderosa ang tricycle nang makabangga nito ang parating na Nissan Urvan sa Maharlika Highway sa Barangay Balubad.

Nasawi si Balderosa at ang anak niyang sina Vincent at Marian na ang edad ay nasa pagitan ng 1 hanggang 10 taon gulang.

Ang isa pang anak ni Balderosa na angkas niya rin sa tricycle ay ginagamot pa sa Doña Marta District Hospital.

Dinala naman sa Atimonan police ang driver ng van na si Jay-R Salvo.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring banggaan.

TAGS: accident, atimonan, Quezon, accident, atimonan, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.