Kidnaper ng Malaysian na pinugutan ng ulo, naaresto sa Jolo

By Kathleen Betina Aenlle December 05, 2015 - 04:12 AM

arrestTimbog ang isang suspek sa pagdukot sa dalawang Malaysian nationals na Kung saan isa isa sa biktima ay pinugutan ng ulo noong nakaraang buwan lamang.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, nahuli ang suspek na si Kadaffy Muktadil sa isang ospital sa isla ng Jolo.

Una nang naglabas ng warrant of arrest ang mga opisyal sa Malaysian state of Sabah para kay Muktadil na hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ani Arrojado, may isang informant ang nagturo sa kanila na nasa ospital nga si Muktadil dahil sa naaksidente ito sa sinasakyang motorsiklo.

Matatandaang pinugutan ng ulo ang hostage na si Bernard Then Ted Fen noong nakaraang buwan habang kasagsagan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting na dinaluhan din ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Kinondena ni Razak ang ginawa sa isang mamamayan ng kanilang bansa, kasabay ng pag-apela sa gobyerno ng Pilipinas na papanagutin ang mga may sala.

TAGS: kidnapper of malaysian hostages arrested in sulu, malaysian hostage beheaded, kidnapper of malaysian hostages arrested in sulu, malaysian hostage beheaded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.