WATCH: Bagong trailer ng “The Lion King” inilabas ng Disney

Naglabas ang Disney ng bagong trailer ng pinakaaabangang remake ng 1994 film na “The Lion King”.

May habang 1 minute and 48 seconds ang full-length trailer.

Miyerkules ng gabi nang ipost ng Disney sa kanilang Youtube Channel ang video at Huwebes ng umaga ay nasa mahigit 6 na milyon na ang views nito.

Tampok sa pelikula ang boses ni Donald Glover bilang Simba at si Beyoncé Knowles bilang Nala.

Sa July 19, 2019 ipalalabas ang pelikula.

Read more...