LOOK: Ulo ng isang estudyante sa Malaysia mahigit isang oras naipit sa road cone
Sa Sabah, Malaysia, isang tawag ang tinanggap ng mga otoridad matapos na ma-trap ang ulo ng isang estudyante sa isang platic road cone.
Nangyari ang insidente noong Martes, April 9 makaraang paglaruan ng bata ang road cone habang siya ay naghihintay sa kaniyang magulang na susundo sa kaniya.
Nag-viral sa Twitter ang larawan at ang video na ibinahagi ng isang user na may handler na “ManBro” kung saan makikita ang road cone na nakasuot sa ulo ng bata.
— ManBro (@luqmansidek) April 9, 2019
Ayon sa mga bumbero, agad silang rumesponde sa eskwelahan nang matanggap ang tawag.
Umabot ng 1 at kalahating oras na nakasuot sa ulo ng bata ang road cone bago tuluyang natanggal.
Nilagari ang cone para maalis ito sa ulo ng bata.
Naging maingat ang ginawang paglagari para masigurong hindi masusugatan ang bata.
Maayos naman ang kondisyon ng estuidyante matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.