82 anyos na Pinoy na napaulat na nawawala, natagpuang patay sa California

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 09:56 AM

Isang 82 anyos na Pinoy na napaulat na nawawala ang natagpuang patay sa Torrance, California, USA.

Nakilala ang Pinoy na si Francisco Candelario na nakitang palutang-lutang sa isang creek.

Unang iniulat na nawawala si Candelario noong April 2 at huling nakitang sakay ng kaniyang mini van.

Ang creek kung saan nakita ang kaniyang katawan ay mahigit 5-metro ang layo kung saan nakita naman ang kaniyang sasakyan.

Sa ngayon patuloy pa ang paghihintay sa resulta ng otopsiya sa katawan ng biktima at sa ginawang forensic examination sa mini van.

Kabilang din sa iniimbestigahan ay kung nalunod ba si Candelario o kung may anggulong homicide sa kaso.

TAGS: California, Francisco Candelario, homicide, missing, Torrance, usa, California, Francisco Candelario, homicide, missing, Torrance, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.