China bibigyan ng sapat na panahon ng Malakanyang na tumugon sa diplomatic protest
Bibigyan ng sapat na panahon ng Malakanyang ang China na tumugon sa inihaing diplomatic protest kaugnay sa presensya ng Chinese vessels sa Pagasa Island.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay para hindi makompromiso ang magandang ugnayan ng China at Pilipinas sa sektor ng kalakalan.
Gayunman, hindi tinukoy ni Panelo kung ilang araw o buwan ang ibibigay na palugit sa China na tumugon sa protesta.
Hindi naman kasi aniya maaring habang buhay na manatili ang Chinese vessels sa Pagasa na sakop na ng teritoryo ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.