MWSS pinagpapaliwanag sa kabiguang maipatupad ang Irrigation Water Replacement

By Erwin Aguilon April 11, 2019 - 08:53 AM

Pinagpapaliwanag ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy ang MWSS at mga water concessionaires sa hindi pagpapatupad ng “Irrigation Water Replacement” program na kasama sa kinokolekta sa water bills ng mga consumers.

Ayon kay Herrera-Dy, aabot sa P7.5 Billion ang nakolekta mula sa programa upang makapagpatayo ng pasilidad sa pagkuha ng tubig sa Pampanga River para sa irrigation water replacement.

Nagtataka ito kung saan napupunta ang bahagi ng sinisingil sa mga consumers para sa programa na sinimulang kolektahin ng mga water concessionaires mula pa noong 2002.

Kung naipatupad lamang anya ang irrigation water replacement ay natulungan ang maraming magsasaka sa epekto ng matinding tag-tuyot dulot ng weak El Niño.

Pinakikilos dito ang mga local water districts, Local Water Utilities Administration, National Irrigation Authority at National Water Resources Board para mabigyan ng tulong ang mga livestock growers, mga magsasaka pati mangingisda ngayong panahon ng tag-init.

TAGS: Irrigation Water Replacement, mwss, water, water shortage, Irrigation Water Replacement, mwss, water, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.