Bahagi ng Quirino Bridge 2 binuksan na sa mga motorista
Binuksan na sa mga motorista ang bahagi ng Quirino Bridge II.
Ang northbound ng tulay na tinatawag ding Concordia Bridge ay pormal na binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Huwebes, Apr. 11 ng umaga.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar sa pagbubukas ng tulay, mayroong dagdag na 3 linya sa northbound na magagamit ng mga motorista,
Inaasahang makapagpapabilis ito sa biyahe ng mga mula at patungong Maynila.
Ang Quirino Bridge II ay 24-linear meter single-span road na bahagi ng Circumferential Road II at magkukunekta sa Maynila, Pasay, Makati at iba pang central at eastern side ng Metro Manila kasama ang Quezon City, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina, at lalawigan ng Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.