2 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa isang coffee shop sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 08:14 AM

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang dalawang iba pa na pawang trabahador sa isang coffee shop sa Cebu City makaraan silang pagbabarilin, Huwebes (Apr. 11) ng madaling araw.

Magsasara na ng Good Cup Coffe Shop ang mga biktimang sina John Michael Hermoso, Cyril Ramos, Jerome Amada at Sherwin Rivera nang mangyari ang insidente sa F. Ramos Street sa Barangay Cogon Ramos.

Isang armadong lalaki na may takip ang mukha at nakasuot ng helmet ang dumating at pinaputukan sila ng baril.

Agad nasawi si Hermoso, 29 anyos na syang may-ari at head barista sa tindahan habang si Ramos na 21 anyos ay nasawi habang isinusugod sa pagamutan.

Si Amada na waiter sa shop at si Rivera, 23 anyos at cashier/barista ay kapwa nilalapatan ng lunas sa ICU ng Velez Hospital.

Ang isa pang empleyado ng coffee shop ay himalang hindi tinamaan ng bala kaya siya ang tumakbo sa police station para ireport ang pangyayari.

Ayon kay Police Lt. Elstone Dabon, ng Ramos Police Station, mabilis tumakas ang suspek matapos ang pangyayari at ngayon ay nagsasagawa na sila ng manhunt laban dito.

Inaalam pa ngayon kung ano ang motibo sa pamamaril.

TAGS: 2 dead, 2 wounded, cebu, coffee shop, Shooting Incident, 2 dead, 2 wounded, cebu, coffee shop, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.