Sundalo, 2 CAFGU patay sa engkwentro sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 06:44 AM

Tatlo ang patay sa engkwentro na naganap sa pagitan ng mga sundalo at Abu Sayyaf Group sa Sumisip, Basilan kahapon, araw ng Miyerkules (Apr. 10).

Ayon sa ulat mula sa AFP Western Mindanao Command, nasawi ang isang sundalo at dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Sakay ng mga motorsiklo ang mga tropa ng gobyerno nang maka-engwentro nila ang mga bandidong grupo.

Inaalam pa kung mayroong nasawi o nasugatan sa panig ng mga rebelde.

Kinondena naman ni Lt. Gen. Arnel Dela Vega, commander ng Western Mindanao Command ang pangyayari.

Nagsasagawa na aniya ngayon ng hot pursuit operation ang militar laban sa mga bandido.

TAGS: ASG, encounter, Radyo Inquirer, sumisip basilan, ASG, encounter, Radyo Inquirer, sumisip basilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.