Sunog sumiklab din sa impounding area sa Maynila, 20 na sasakyan natupok

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 06:28 AM

Hindi bababa sa dalawampung sasakyan ang natupok sa sunog na naganap sa impounding area sa Malate, Maynila.

Ang nasunog na bahagi ng parking area ng Harrison Plaza ay impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Ang mga nasunog na sasakyan ay mga na-tow at sirang sasakyan na matagal nang nakaparada sa bakanteng lote na katabi ng mall sa naturang lugar.

Mayroon ding nasunog na mobile vehicles ng Manila Police District na sira at hindi na nagagamit.

Ayon sa isang parking boy sa lugar, sa sobrang tagal nang nakaparada ang mga sasakyan sa lugar, ang iba dito ay tinutulugan na o ginagawang tambayan.

Inaalam pa ng Manila Fire Bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire incident, harrison plaza, manila, fire incident, harrison plaza, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.