1 patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 04:07 AM

Nasawi ang isang drug suspek sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija ala-1:50 kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Dominador Dionaldo mas kilala sa alyas na ‘Buboy’ na umano’y notoryus na drug pusher sa lugar.

Nakahalata si Dionaldo na pulis ang kanyang nakatransaksyon dahilan para magpaputok ito ng baril.

Agad na gumanti ng putok ang mga pulis na agad ikinasawi ng suspek.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre. 38 ng baril at dalawang piraso ng fired catridge cases ng 9mm.

TAGS: buy bust, encounter, nueva ecija, San Jose City, buy bust, encounter, nueva ecija, San Jose City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.