2 patay sa engkwentro sa Bulacan

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 03:45 AM

Dalawang drug suspects ang nasawi matapos mauwi sa engkwentro ang magkahiwalay na buy bust operation sa Bulacan madaling araw ng Huwebes.

Nagsagawa ng buy bust operation ang San Jose Del Monte Police laban sa suspek na si Michael Lasala sa Brgy. Gayagaya alas-12:15 ng madaling araw.

Nagpositibo ang buy bust laban sa suspek ngunit bago pa man makalapit ang back up police ay nakahalata na ito na mga awtoridad ang kanyang katransakyon.

Nagpaputok si Lasala dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na agad niyang ikinasawi.

Narekober sa crime scene ang kalibre .38 na revolver at isang motorsiklo.

Ala-1:15 naman ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation laban sa isang Allan Nuela sa Brgy. Longos, Calumpit, Bulacan.

Nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu mula suspek gayunman ay bigla itong nakahalata na pulis ang kanyang mga katransakyon.

Agad tumakbo si Nuela habang pinapuputukan ang mga pulis dahilan para gumanti rin ng putok ang mga awtoridad at mauwi sa engkwentro na kanyang ikinasawi.

Nakuha rin sa crime scene ang isang kalibre .38 na revolver.

Si Lasala at Nuela ay parehong nasa drug watchlist ng local police stations.

TAGS: Bulacan, buy bust operation, encounter, Bulacan, buy bust operation, encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.