SLEX naghahanda na sa pagdagsa ng mga motorista para sa paggunita ng Semana Santa
Naghahanda na ang South Luzon Expressway (SLEX) sa pagdami ng mga motorista sa kanilang mga kalsada para sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Skyway Corporation president Manuel Bonoan, nagkaroon na ng pre-deployment ng mga patrollers at stations para sa roadside assistance bukod pa sa mga regular tellers.
Dinagdagan din anya ang mga stand-by toll tellers para sa panahong ito.
Sinabi ng SLEX na tataas ng 10 porsyento ang bilang ng mga sasakyang babiyahe para sa susunod na linggo.
Nanawagan ang SLEX na siguruhing maayos ang kondisyon ng mga sasakyan bago ibiyahe para maiwasan ang overheat ng makina na madalas na nangyayari tuwing mainit ang panahon.
Pinahahabaan din ang pasensya ng mga motorista ngayong mainit ang panahon upang maiwasan ang road rage.
Inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa southbound ng SLEX partikular sa Calamba Toll Plaza, Ayala Toll Plaza, Eton-Abi Exit, Cabuyao, Carmona at Sta. Rosa sa April 17, 18 at 20.
Bukod dito ay inaasahan din ang pagtaas ng volume ng sasakyan sa southbound ng Star Tollway sa kaparehong panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.