Provincial bus terminals sa EDSA mahigpit na babantayan dahil sa inaasahang Holy Week exodus

Mahigpit na babantayan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sitwasyon sa mga bus terminals sa EDSA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga commuters na uuwi sa kanilang mga lalawigan para sa Semana santa.

Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, ipaprayoridad ng MMDA ang traffic management sa EDSA na mayroong 46 na bus terminals.

Dahil dito, nakiusap si Nebrija sa mga motorista at mga pampublikong sasakyan na magbaba at magsakay lamang sa likod ng mga terminal na ito upang hindi makaabala.

Magugunitang plano ng MMDA na isara na ang provincial bus terminal sa EDSA sa buwan ng Hunyo upang makatulong sa pagresolba sa problema sa trapiko.

Gayunman, sinabi ni Nebrija na matapos ang Semana Santa, magsasagawa muna ang MMDA ng dry-run upang malaman ang mga posibleng implikasyon ng bagong traffic scheme bago ito tuluyang ipatupad.

Hindi anya ipagsasawalang-bahala ang mga commuter kung lubha silang maapektuhan ng provincial bus ban.

Read more...