Magnolia nasungkit ang huling pwesto sa PBA Final Four

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 12:07 AM

Pinataob ng Magnolia ang Barangay Ginebra sa kanilang laban kagabi sa iskor na 85-71 para makamit ang huling pwesto sa final four ng PBA Philippine Cup.

Bagama’t gitgitan sa pagbubukas ng laro, hindi pumayag ang Hotshots na magpadaig sa pamamagitan ni Paul Lee na nagtala ng 25 points.

Hindi makapaniwala si Coach Chito Victolero sa pagkakapasok ng kanyang koponan sa semis na anya’y plano ng Diyos.

Inalala ni Victolero na nagsimula ang Magnolia sa 0-3 ngunit dahil sa pagsusumikap anya ng kanyang mga manlalaro ay naiangat nila ang koponan.

“It’s all God’s will. I don’t know how we survived this conference. I know there’s more but we started at 0-3, we went to 1-4. We started slow, but I’m very proud and happy with the players’ grit and desire to get out of that rut,” ani Victolero.

Hindi man anya sila ang most talented team, naniniwala si Victolero na bagay ang personalidad nilang lahat.

Samantala, nakadagdag ng 13 points si Mark Barroca ara sa Hotshots.

Nanguna naman para sa Ginebra sina Jeff Chan at Japeth Aguilar sa 17 at 16 points.

TAGS: 2019 PBA Cup, Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, semifinals, 2019 PBA Cup, Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, semifinals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.