Darren Espanto magtatanghal sa ‘Singer 2019’

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 12:14 AM

Lumipad Miyerkules ng gabi papuntang China si Darren Espanto para magtanghal sa sikat na singing competition na ‘Singer 2019’.

Si Espanto na grand finalist ng “The Voice of the Philippines” ay magtatanghal sa finals night ng kompetisyon.

Nakatakdang ipalabas ang finals kung saan mapapanood ang performance ni Espanto bukas, April 12.

Sa press conference bago pumunta ng China, sinabi ng teen singer na sobra ang saya na nararamdaman niya matapos mapiling kumanta sa Singer 2019.

Unang beses pa lamang anya niyang marinig ang balita ay nakaramdaman na siya ng excitement kasabay ng kaba.

Hindi si Espanto ang unang Filipino na nakatapak sa entablado ng talent competion.

Matatandaang isa sa mga naging contestants ng ‘Singer’ si KZ Tandingan noong nakaraang taon.

Nakalaban ni Tandingan ang mga sikat na singer at isa rito ay si Jessie J.

TAGS: China, Chinese singing competition, Darren Espanto, KZ Tandingan, Singer 2019, China, Chinese singing competition, Darren Espanto, KZ Tandingan, Singer 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.