Pagbabawal sa mga provincial bus sa Metro Manila ipinaubaya na ng Palasyo sa MMDA

By Chona Yu April 11, 2019 - 12:00 AM

Dumistansya ang Palasyo ng Malacañang sa balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isara ang nasa 90 bus terminals sa Metro Manila sa hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang MMDA ang nasa ground at higit na nakaalam sa sitwasyon sa trapiko sa Metro Manila.

Hindi aniya nakaugalian ng Malacañang na pakialaman ang trabaho ng ibang tanggapan.

Tiyak aniyang may ginawang feasibility study ang MMDA.

Una rito, sinabi ng MMDA na ililipat sa Valenzuela at Sta. Rosa, Laguna ang biyahe ng mga bus mula sa iba’t ibang probinsya.

TAGS: Malacañang, Metropolitan Manila Development Authority, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Provincial bus ban, Malacañang, Metropolitan Manila Development Authority, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Provincial bus ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.