Panelo: Diplomatic protest mas importante kesa paglalagay ng bandila sa Spratlys

Malacanang photo

Drama lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako noong panahon ng kampanya na sumakay ng jetski patungo sa Spratlys para maglagay ng watawat ng Pilipinas.

Ang Spratlys ay bahagi ng mga isla na inaangkin ng China at ilan pang claimant-countries.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas mahalaga ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China kesa anumang gimik na kaugnayan sa pulitika.

Ipinaliwanag rin ng kalihim na idinaan sa bilateral meetings ang usapin ng Spartlys sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ayon kay panelo, istorya lamang ang pahayag ng pangulo na sasakay siya sa jetski at magtatanim ng bandila sa West Philippine Sea.

“I think he already responded to that about the jetski thing. He said istorya lang yun. Hindi ba sabi niya noon? That’s nothing”, ayon sa kalihim.

Dagdag pa ni Panelo, “Drama lang naman yun pag pumupunta. The more better action would be to file a diplomatic protest and then raise that as an issue in bilateral meetings between the two countries”.

Ipinag-kibit balikat rin ng palasyo ang pagpapakuha ng ilang kandidato ng Otso Diretso sa karagatang sakop ng Masinloc, Zambales na ayon sa kalihim ay bahagi lang ng pamumulitika.

Read more...