Aide ng bigtime drug lord sa Cebu nahuli ng PNP

By Angellic Jordan April 10, 2019 - 06:37 PM

Arestado ang dating aide ni self-confessed drug lord Franz Sabalones sa ikinasang drug raid sa Talisay City, Cebu Miyerkules ng umaga.

Sa bisa ng search warrant, nagkasa ng raid ang pulisya sa kaniyang bahay ng 38-anyos na si Gonzalo “Jeto” Abellana sa bahagi ng Sitio Nonok sa Barangay Tabunok.

Inilabas ang search warrant ni Executive Judge Leopoldo Cañete mula sa Barili Regional Trial Court Branch 60.

Dito na nakumpiska ang nasa P1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Maliban dito, nakuha rin sa suspek ang airsoft rifles at ilang magazine.

Ayon kay Police Captain Alejandro Batobalonos, hepe ng Provincial Intelligence Branch (PIB), halos isang buwan nilang binantayan si Abellano bago isinagawa ang operasyon.

Batay sa impormasyon ng mga pulis, si Abellana ay dating close in body guard at drayber ni Sabalones.

Itinanggi ni Abellana na naging body guard siya ni Sabalones ngunit inamin namang napagmaneho na ang kontrobersyal na drug lord.

Sinabi pa nito na hindi niya alam ang mga ilegal na aktibidad ni Sabalones.

TAGS: cebu, drugs, Franz Sabalones, jeto abellana, Talisay, cebu, drugs, Franz Sabalones, jeto abellana, Talisay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.