Dirk Nowitzki ng Dallas Mavericks magreretiro na

NBA photo

Kinumpirma ni Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki ang kaniyang pagreretiro sa National Basketball Association (NBA).

Emosyonal na inanunsiyo ni Nowitzki ang pagreretiro sa mga manonood ng American Airlines Center ng Dallas.

Nagpasalamat ang 40-anyos na German basketball player sa kaniyang mga fans para sa walang sawang suporta sa buong karera.

Matapos ito, nag-chant ang Mavericks fans ng “Thank you, Dirk” habang nagpapaalam ang manlalaro.

Nasaksihan naman ng ilang mga batikang NBA players ang pagpapaalam ni Nowitzki na sina Larry Bird, Charles Barkley at Scottie Pippen.

Si Nowitzki ay nasa ikaanim na pwesto sa NBA all-time points scoring list na mayroong mahigit-kumulang 31,000 points.

Pagkatapos ng pagreretiro sa NBA, sinabi ni Nowitzki na mananatili siya sa Dallas dahil ikinokonsidera niya aniya ito bilang bagong tahanan.

Read more...