Plano ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng malakihang in-city relocation para sa informal settler families (ISF) sa Quezon City upang magtaguyod ng garantisadong socialized housing at inclusive growth sa lungsod.
Siniguro rin ni Belmonte na poprotektahan ng lokal na pamahalaan ang karapatan ng mga tagalungsod sa murang pabahay sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa nito sa socialized housing.
Dagdag ni Belmonte, nais ng lokal na pamahalaan na personal na hawakan ang mga programang pabahay sa lungsod upang matiyak na maayos na naibibigay ang pangangailangan ng mga residente.
“Gusto kong ipaglaban na, kung maaari, city government na ang gumawa ng housing projects dahil kung ang city government, mas mapapaigting natin ang ating pagtutulungan bilang mamamayan at bilang pamahalaan,” ayon kay Belmonte.
“Makakaasa kayo na ipaglalaban natin ang mga karapatan ninyo sa bahay at palupa sa pamamagitan ng ating mga batas at ordinansa na gagamitin natin to its full capacity to fight for your rights to make sure that the housing you will receive is appropriate and is a housing that will make you happy,” dagdag pa ng opisyal.