Malacañang pinalalayas ang mga Chinese vessels sa Kota Island

Inquirer file photo

“Lumayas kayo”.

Ito ang naging matapag na pahayag ng Malacañang sa presensya ng mga barko ng China na pinaghihinalaang maritime militia sa Kota Island na sakop na ng Pilipinas.

Ang Kota o Loaita Island ay ika-sampu sa mga malalaking isla sa Spratly’s na sakop ng Pilipinas.

Umaabot sa 6.6 hectares ang sukat ng nasabing isla na may layong 35 kilometers sa Thitu o Pag-asa Island na nauna nang pinaligiran ng ilang Chinese militia vessels.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang official business ang Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas.

Malinaw aniya na pag-atake sa soberenya ng Pilipinas ang ginagawa ng China.

Sinabi pa ni Panelo na tiyak na maghahain ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kapag natapos na ang berepikasyon.

Ipababatid aniya ng palasyo na hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang pananatili nila sa teritoryo ng bansa.

Bagamat iginagalang aniya ng palasyo ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China sa sektor ng kalakalaran, hindi naman nito itataya ang soberenya ng bansa lalo na kung inaatake o iniinsulto ng ibang bansa.

Read more...