Mga biktima ng martial law tatanggap ng $1,500 ng bawat isa
Sisimulan na sa darating na May 1 ang pagbibigay ng bayad sa 9,539 martial law victims kung saan ay paghahatian nila ang $9.75 Million bilang bahagi ng settlement amount.
“The distribution will begin May 1 in Butuan followed by sequential distributions in 15 other cities during May, June and July,” ayon sa American lawyer at Class Counsel na si Robert Swift.
Padadalhan umano ng sulat ang mga beneficiaries ng pondo para sa kaukulang detalye ng kanilang kompensasyon.
Nauna dito ay inatasan ng US Federal Court sa New York si Swift na siyang mamahala sa distribution ng claims makaraan ang isinagawang artwork litigation sa ilang high-value paintings na dating pag-aari ni dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.
Sinabi ni Swift na ang mga eligible martial law victims ay tatanggap $1,500 ng bawat isa.
Katuwang niya sa distribusyon ng kabayaran ay si Claimants 1081 Executive Director Zeny Mique.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng mga martial law compensation claimants na karamihan sa mga makikinabang sa pera ay pawang mga matatanda na at gagamitin ang kanilang makukuhang kabayaran sa pambili ng mga kinakailangang gamot. Sa kabuuan aabot naman sa $4 Million ang mapupunta sa serbisyo ng mga abogado pati na rin ang gastusin sa claims distribution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.