LOOK: Likod ni dating SAP Bong Go na may tattoo umano ng international drug syndicate inilantad

By Chona Yu April 10, 2019 - 01:03 PM

Para patunayan na hindi siya sangkot sa illegal na droga, ipinakita na ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong; Go ang kanyang likod.

Tugon ito ni Go sa video ng nagpapakilalang alyas Bikoy na may tattoo umano ng international drug syndicate ang dating top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakita ni Go ang kanyang likod sa campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago sa Prosperdad, Agusan Del Sur.

Ayon kay Go, desperadong hakbang na ang ginagawa ng mga kalaban at nagiging kenkoy na dahil hindi naman totoo na sangkot siya sa operasyon ng illegal na droga.

Bwelta ni Go, panahon na si alyas Bikoy naman ang lumantad ngayon sa publiko.

Giit ni Go ang mga nagpapakalat ng video ang totoong mga drug lord.

Inaalmahan din ni Go ang mga kritiko dahil pati ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty ay hindi na pinaligtas sa maruming laro ng pulitika.

TAGS: Alyas Bikoy, international drug syndicate, Alyas Bikoy, international drug syndicate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.