Grupo ng mga estudyante lumusob sa tanggapan ng CHED para tutulan ng pagtaas sa matrikula

By Erwin Aguilon April 10, 2019 - 11:55 AM

Nagsagawa ng pagkilos sa harap ng tanggapan ng Commission on Higher Education ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante para iprotesta ang nakaambang tuition fee increase.

Ayon sa Kabataan Partylist at National Union of Student of the Philippines sa halip na itaas ang matrikula at iba pang bayarin, dapat na pagandahin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Hinikayat ng mga ito ang CHED na huwag payagan ang nakaambang pagtaas ng matrikula sa mahigit 1,000 paaralan ngayong school year 2019-2020.

Hindi anila makatarungan na kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, serbisyo ay sasabyan pa ng pagtaas ng matrikula.

Naghain din ang mga grupo ng petisyon sa CHED upang hilingin na maglabas ng memorandum na pipigil sa pagkolekta ng mga hindi mahahalagang school fees para mabawasan ang pasanin ng mga estudyante.

TAGS: tuition fee hike, tuition fee hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.