Taylor Swift nag-donate ng $113,000 para sa grupong lumalaban sa anti-LGBT law sa Tennessee

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 11:46 AM

Nag-donate ng $113,000 ang pop superstar na si Taylor Swift para sa isang LGBT+ group na lumalaban sa anti-LGBT law sa Tennessee.

Ayon sa grupong Tennessee Equality Project (TEP), ibinigay ni Swift ang donasyon sa kanilang grupo bilang pagsuporta sa layunin nilang maharang ang mga batas laban sa LGBT.

Sa note na inilakip ni Swift sa kaniyang donasyon sinabi nitong natutuwa siya sa aksyon ng grupo.

Ayon sa TEP, ang batas na tinawag nilang “Slate of Hate” ay hindi tumutugon sa 2015 federal ruling sa US kung saan pinapayagan na ang same-sex marriage.

Si Swift ay matafal nang kakampi ng LGBTQ community.

TAGS: slate of hate, Taylor Swift, tep, slate of hate, Taylor Swift, tep

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.