LRT-2 walang biyahe mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday

April 10, 2019 - 11:13 AM

Inilabas na rin ng pamunuan ng LRT-2 ang schedule ng operasyon nito para sa Holy Week.

Ang LRT-2 ay may biyaheng Santolan sa Pasig City patungong Recto Maynila at pabalik.

Sa abiso ng LRT-2, sa Miyerkules Santo, April 17 magpapatupad sila ng shortened operation.

Ang huling biyahe ng tren mula Santolan ay alas 7:00 ng gabi at 7:30 ng gabi naman ang huling biyahe ng tren galing Recto.

Wala namang operasyon ang LRT-2 mula sa Huwebes Santo (April 18) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (April 21)

Magbabalik ang normal na operasyon ng LRT-2 sa Lunes, April 22.

TAGS: LRT, LRT line 2, LRT, LRT line 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.