Pagbabago sa port utilization ibinida ng DOTr chief sa mga negosyante

By Erwin Aguilon April 10, 2019 - 09:47 AM

Ipinagmalaki ni Transport Secreraty Arthur Tugade ang decongestion sa mga pantalan ng bansa sa harap ng mga dayuhang mamumuhunan.

Ayon kay Tugade, halos dalawang linggo matapos lumagda ahensya sa manifesto on efficient port utilization sinimulan na nila ang pagtatanggal ng mga containers sa mga pantalan na ginagamit sa unfair practices.

Umakyat na anya sa 18 porsyento ang container pullouts.

Dahil dito, sinabi ni Tugade na ang Yard utilization sa Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor (MSH) ay bumaba mula 98% noong December 2018 patungong 74% sa MICT at 69% naman sa Manila South Harbour.

Maging ang bilang ng mga barko anya na naghihintay sa mga angkorahe sa kaparehong panahon ay bumaba din kung saan mula sa pito hanggang walong barko sa MICT ngayon zero na ito habang sa South Harbour mula sa 18 barko ngayon ay isa o dalawa na lamang.

Maliban anya sa pagbibigay ng solusyon sa port congestion ay nakapagbukas sila ng bagong ruta ng RoRo na mag-uugnay sa mga rehiyon ng bansa para sa mas mabilis na byahe ng mga kargamento at kalakal.

Siniguro din ng kalihim ang patukoy na pakikipag ugnayan ng pamahalaan sa pribadong sektor para lalo pang mapalakas ang polisiya, programa at serbisyo para sa may produktibo at maayos na maritime operation.

TAGS: Sea Travel, transportaiton, Sea Travel, transportaiton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.