4 na pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Gingoog City, 1 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 09:26 AM

Isa ang sugatan at apat na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Gingoog City sa Misamis Oriental.

Naganap ang sunog sa bahagi ng Aquino Street kanto ng De Lara sa Barangay 5.

Ayon sa Philippine Red Cross isang bata na nagtamo ng minor injury ang kanilang nilapatan ng lunas.

Dalawang bahay ang nadamay sa sunog at apat na pamilya ang naapektuhan.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

TAGS: gingoog city, Misamis Oriental, Radyo Inquirer, red cross, gingoog city, Misamis Oriental, Radyo Inquirer, red cross

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.