BREAKING: Luzon Grid isasailalim sa red alert dahil sa manipis na reserba sa kuryente – NGCP

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 08:51 AM

Isasailalim sa red alert ang Luzon grid dahil sa matinding kakapusan sa reserba ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) iiral ang red alert alas 11:00 ng umaga at mamayang alas 2:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Samantala, alas 10:00 ng umaga, alas 12:00 ng tanghali hanggang ala 1:00 ng hapon, alas 5:00 ng hapon at alas 7:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi ay iiral ang yellow alert sa Luzon grid.

Sinabi ng NGCP na nakararanas ng matinding kakapusan sa reserba ng kuryente sa Luzon grid.

Mayroong available capacity na 10,625 megawatts habang nasa 10,313 megawatts naman ang peak demand.

Ang detalye hinggil sa dahilan ng kapos na reserba ng kuryente ay iaanunsyo ng Department of Energy (DOE).

TAGS: luzon grid, power reserve, Radyo Inquirer, red alert, Yellow Alert, luzon grid, power reserve, Radyo Inquirer, red alert, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.