Japanese Emperor at Empress darating sa bansa sa susunod na buwan
Bibisita sa Pilipinas sina Japanese Emperor Akihito at asawa nitong si Empress Michiko sa buwan ng Enero.
Ayon kay presidential spokesman Secretary Edwin Lacierda, magaganap ang state visit ng dalawang opisyal sa January 26 hanggang 30.
Ang pagbisita ay bilang tugon sa long-standing invitation ni Pangulong Benigno Aquino III sa Royal family.
Noong 1962 pa huling dumalaw ang dalawa sa bansa noong sila ay Crown Prince at Princess pa lamang.
Magiging sentro ng pagbisita ang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Japan noong 2016.
Ayon kay Lacierda, inaasahan na ang nasabing pagbisita ay makapagpapalalim pa sa bilateral relations ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.