Death sentence sa Boston bomber, pinal na

Boston Marathon Explosions
file photo via AP

Humingi ng tawad kay Allah at sa kanyang mga biktima ang utak ng Boston Marathon bombing na si Dzokhar Tsarnaev.

Ito ay matapos na gawing pinal ang sentensya ng kamatayan laban kay Tsarnaev sa hatol ni Judge George O’Toole ng Boston District Court.

Inamin ni Tsarnaev na guilty siya sa Boston Marathon bombing at sinabing nalulungkot siya sa sinapit ng mga biktima ng kanyang ginawa.

Isa-isa niyang hiningan ng patawad ang mga kaanak ng biktima ng pambobomba sa unang public statement ni Tsarnaev simula ng siya ay maaresto.

file photo via AP

Bagamat may mga nagpatawad na biktima kay Tsarnaev, madami pa din ang hindi siya mapatawad.

Ayon kay Lynn Julian, isa sa mga nakaligtas sa insidente, walang sinseridad ang paghingi ng paumanhin ni Tsarnaev.

Pero ayon naman kay Henry Borgard na isa ring survivor, masaya sya sa apology.

“I do know that I believe in second chances. The man, the boy who planted that bomb that blew up in front of me is younger than I am,”ayon kay Borgard./ Ira Panganiban

Read more...