Maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan sa bansa – PAGASA

AP Photo
Maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan sa bansa ngayong araw dahil sa epekto ng easterlies.

Silangang bahagi ng northern Luzon, Central Luzon at sa Visayas at Mindanao ang apektado ng easterlies.

Sa Tuguegarao maaring pumalo ng hanggang 37 degrees Celsius ang pinakamainit na temperatura at 35 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Mainit na panahon din ang mararanasan sa Mindanao, kung saan maaring pumalo ng hanggang 30 hanggang 32 degrees Celsius ang maximum na temperatura.

Sa Mindanao, 34 degrees Celsius ang forecast na maximum temperature ng PAGASA sa Zamboanga.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Read more...