Misis at kalaguyong kapitan ng barangay huli sa akto sa loob ng hotel sa Nueva Ecija

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 06:42 AM SHARE(S):
Photo: San Jose City, NE Police Office

Arestado ang isang kapitan ng barangay at ang babaeng kalaguyo nito matapos mahuling magkasama sa loob ng isang hotel sa San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga suspek na sina Librado Dulay, 58 anyos at kapitan ng barangay at ang kalaguyo niyang si Ma. Cecilia Tubiera, 32 anyos.

Ang dalawa ay kapwa kasal sa kani-kanilang asawa.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City police, humingi ng tulong sa kanila ang mister ni Tubiera matapos malaman na makikipagtagpo ito kay Dulay sa isang hotel sa Brgy. Caanawan.

Nahuli sa akto ng mister at ng mga rumespondeng pulis ang dalawa habang nasa loob ng kwarto ng hotel.

Inabutan pang hubad pa si Tubiera habang tumakbo papunta sa loob ng CR si Dulay nang pasukin ng mga pulis.

Inihahanda na ang kasong Adultery laban sa dalawa.

TAGS: Adultery, barangay captain, nueva ecija, San Jose City, Adultery, barangay captain, nueva ecija, San Jose City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.