5 arestado sa buy-bust sa Bacolod City

Arestado ang limang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa isang boarding house sa Bacolod City.

Isinagawa ang operasyon, Martes (Apr. 9) ng gabi sa Barangay 7 kung saan kabilang sa naaresto ang isang 29-anyos na nasa drugs watchlist ng pulisya.

Ayon kay Police Captain Leo Estopa, nakuhanan ang mga suspek ng 12 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,000.

Mayroon ding nakuhang isang kalibre 38 na revolver at mga bala mula sa isang 35 anyos na naaresto.

Isang suspek naman na umano ay anak ng barangay kagawad ang nagawang makatakas.

Ayon kay Estopa, pinaghahanap na nila ngayon ang nakatakas na suspek.

Read more...