2 BJMP personnel masisibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga
Nais ng bagong pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na makapagsagawa ng regular na drug testing sa kanilang mga opisyal at tauhan.
Sa isang press conference, sinabi ni Jail Chief Supt. Allan Iral, mahalagang matiyak na walang tauhan ng BJMP na sangkot sa illegal drugs.
Quarterly ang target ni Iral na makapagsagawa ng drug test sa kanilang mga tauhan.
Sa pagsisimula niya sa pwesto, dalawang tauhan agad ng BJMP ang inirekomenda ni Iral na masibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Iral, naipadala na niya sa DILG ang endorsement para masibak sa serbisyo ang dalawang tauhan.
Tiniyak ni Iral na lahat ng mapatutunayang sangkot sa ilegal na droga ay agad ipasisibak sa serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.