Ilang bus companies ang fully booked na pero marami pa ring mga pasahero ang bumibili o nagpapa-reserve ng mga tiket.
Sa gitna naman ng pagdami ng mga pasahero, nakita itong pagkakataon ng mga otoridad para suriin ang kalusugan ng mga driver.
Ang ilang bus companies nagsasagawa ng random drug test bago sumapit ang semana santa para tiyak na walang gumagamit ng droga sa mga driver.
Nagpapatupad naman ang mga bus terminal ng pre-departure inspections kung saan sinusuri ang gulong, makina at brake ng bus bago umalis.
Sa nakalipas na 7 taon ay hindi bababa sa 60 katao ang nasawi sa vehicular accident tuwing Holy Week.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 129 na aksidente sa lansangan ang naitala sa semana santa mula 2012 hanggang 2018.